Thursday, February 26, 2009

Thesis sa Filipino 2


Piracy ng mga Pelikulang galing U.S. gamit ang Internet


I. Panimula


A. Panukalang Pahayag

Malaki ang epekto ng Internet sa suliranin ng Piracy ng mga pelikulang gawa sa U.S. sa Pilipinas.


B. Introduksyon/Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng Internet sa patuloy na paglaganap ng Piracy sa bansang Piliinas.


Suliranin

a) Ano nga ba ang Piracy?

b) Ano ang Internet?

c) Paano nakakaapekto ang Internet sa patuloy na paglaganap ng Piracy?

d) Bakit ito patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino?

Kaligiran ng Paksa

Ang mananaliksik ay nais magbahagi ng kaalaman tungkol sa gamit ng internet, kung paano ito nakakaapekto sa lalong paglaganap ng suliranin sa piracy, upang magamit ito ng mga coalition na sumusubok sugpuin ang nasabing problema.

Personal/Panlipunang udyok sa pagpili ng paksa

Ang mananaliksik ay mahilig manood ng mga pelikula at naisip niyang sa pagaaral na ito matututo siya habang nageenjoy. Gusto ng mananaliksik ang paksa sapagkat nais din niyang malaman kung gaano nakakaimbag sa paglaganap ng suliranin sa Piracy ang Internet. Nais din niyang malaman ang proseso para maging possible ang nasabing pagpipirata ng mga pelikula.

Napili din ng mananaliksik ang paksang ito sapagkat malaki ang maiitutulong nito sa pagiintindi sa nasabing suliranin. Ito rin ay makakatulong sa mga coalition na sumusubok puksain ang problema sa Piracy ng bansang Pilipinas. Maari ring makagawa ng paraan ang gobyerno upang maiwasan ang pagtangkilik ng mga tao sa mga pekeng kopya. Baka sakaling may magawang hakbang ang Industriya ng Entertainment pagkatapos nilang basahin ang mga problema at hinaing ng mga tao sa pamamagitan ng Pananaliksik na ito.

C. Rebyu/Pagaaral

  • Dahil karamihan sa mga pinipirata ay U.S. na produkto. Ang International Intellectual Property Alliance (IIPA) isang pribadong sector na coalition ay binuo noong 1984 upang makatulong sa pagaaral/pagayos ng proteksyon laban sa piracy. Ang miyembro ng nasabing alliance ay umaabot na sa 1,900 companya sa U.S. na gumagawa at nagbebenta ng media na produkto sa buong mundo gaya ng mga computer software, theatrical na mga sine, programa sa television, Pelikula, iba’t ibang medium ng tugtog (cassette, cd at records) at pati na rin ang mga textbook at mga babasahin na katulad.

(http://www.iipa.com/aboutiipa.html)


  • Sa panahon ngayon, Ang mga pelikulang gawa sa U.S. ay ipinapalabas sa mahigit kumulang 150 bansa sa buong mundo. Ang mga pelikulang ito ay ang karaniwan mong makikita o mapapanood sa million-milliong bahay sa buong mundo.

Ang MPA (Motion Picture Association) ay binuo noong 1945 matapos ang Word War II upang ibangon ang Industriya ng pelikula ng Amerika sa World market. Ito ay binuo upang protektahan ang mga pelikulang ginagawa ng U.S.

  • Ito ay isa sa mga programa ng gobyerno laban sa Piracy ang Pilipinas Anti Piracy team (PAPT) na kinbibilangan ng National Bureau of Investigation (NBI), Optical Media Board (OMB) and the Philippine National Police (PNP). Sila ang responsible sa mga raid na nagaganap sa buong pilipinas.

    (http://www.papt.org.ph/)

    Dahil karamihan sa mga pinipirata ay U.S. na produkto. Ang International Intellectual Property Alliance (IIPA) isang pribadong sector na coalition ay binuo noong 1984 upang makatulong sa pagaaral/pagayos ng proteksyon laban sa piracy. Ang miyembro ng nasabing alliance ay umaabot na sa 1,900 companya sa U.S. na gumagawa at nagbebenta ng media na produkto sa buong mundo gaya ng mga computer software, theatrical na mga sine, programa sa television, Pelikula, iba’t ibang medium ng tugtog (cassette, cd at records) at pati na rin ang mga textbook at mga babasahin na katulad.

    (http://www.iipa.com/aboutiipa.html)

C. Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ipakita ang epekto ng Piracy sa Pilipinas sa larangan ng pelikula gamit ang internet. Nais din nitong ipakita ang kalaganapan ng Piracy at turuan o magbigay kaalaman sa mga tao tungkol sa problemang ito. Layunin nitong gisingin ang mga mamamayan sa ginagawa nilang pagnanakaw sa mga taong nagpakahirap na gawin ang mga nasabing pelikula.

Maaari din itong magbigay-daan upang makiisa na ang mga mamamayan na tigilan na ang pagtangkilik sa mga pirated na bagay. Sapagkat ipapakita ng pananaliksik na ito kung gaano nalulugi ang industriya ng U.S. sa ginagawang pagtangkilik ng mga tao sa mga pirata.


D. Halaga

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay tumutulong na malaman ng mga mambabasa kung ano ang maaaring mabuti o masamang epekto sa patuloy na paglaganap ng Piracy dito sa bansa. Matuturuan din nito ang mambabasa upang ipaalam kung gaano na kalala ang Piracy para sila ay magisip at makiisa sa galaw na ito ng Anti-Piracy Coalition.

E. Teoretikal na Balangkas

Ang balangkas ay naguumpisa muna sa Piracy, matapos ay itatalakay ng mananaliksik ang koneksyon ng Piracy at Internet, kung paano nagtutulungan ang dalawa sa paglaganap ng pirated na Pelikula.

Sa ilalim ng pelikula ipanapakita ng mananaliksik na may iba't-ibang klase ng medium na maaaring gamitin. Ipapakita ang pagkakaiba nito at pagkakapareho. Halimbawa: kung bakit mas maganda ang dvd kaysa sa vcd at Blueray

F. Metodolohiya

Ang mananaliksik ay kumuha ng impormasyon galling sa internet, dyaryo, mga sikat na manunulat at isinalin ito sa Filipino. Bumisita din sa mga government website ang mananaliksik upang humanap ng mas reliable na impormasyon at Makita ang mga hakbang ng gobyerno tungkol sa nasabing isyu. Kumuha ng 30 tao na sasagot sa isang survey tungkol sa piracy ng mga pelikula gamit ang internet. Iba-iba ang taong kinuha ko at ang surbey ay isinalin sa English para sa mga hindi nakakaintindi ng tagalog. I-pinost sa web ang surbey at ipinasagot sa mga tao through Yahoo Messenger at Google Mail.

G. Saklaw/Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumtalakay sa kung ano ang ibig sabihin ng Piracy, ang epekto nito sa industriya ng pelikula at kung paano ginagamit ang internet upang maisagawa ang pagnanakaw sa intellectual na pagaari ng iba. Kasama na din dito ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan at mga pribadong sector sa Pilipinas at ang iba pang mga alliance o coalition sa ibang bansa kung saan kasama ang Pilipinas na binuo upang sugpuin ang pagnanakaw na ito.

H. Daloy ng pagaaral

Ang unang parte ng pagaaral, tumatalakay sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Piracy. Bibigyang diin dito kung gaano kalaki ang impluwensya ng internet para pagpipirata ng mga pelikula at kung papaano ito ginagawa

Ang ikalawang bahagi naman ng pagaaral na ito ay nagbibigay focus naman sa negatibo at positibong epekto ng piracy sa tao at sa industriya ng pelikula. Sasagutin din nito ang tanong kung bakit napaka-laganap na ng piracy at kung bakit ito ay pilit na tinatangkilik ng mga tao.

Sa huling bahagi naman ng pagaaral makikita ang mga batas laban sa Piracy at ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno upang sugpuin ang suliranin na ito. Ilalahad ng mananaliksik ang stratehiya na ginagawa ng mga coalition na binuo laban sa Piracy.

II. KATAWAN


A. Ano nga ba ang Piracy? Ano ang internet? Ano ang kahalagahan nito sa suliranin ng Piracy?

Ang piracy ay ang paggamit ng idea o gawa ng iba ng walang pahintulot. It ang pagbebenta ng kahit anong media mapa-musika, pelikula o data ng walang pahintulot.

(http://en.wikipedia.org/wiki/Copyright_infringement)

10 titles for P200 na makikita sa Recto

Ang halimbawa nito ay ang pagbili ng isang pelikula na nakalagay sa CD na ang presyo ay P250.00 at pagcopya nito sa sampung cd, pagkatapos ay iyo itong ibinenta sa halagang P50.00 bawat isa. Isa lamang ang iyong binayaran pero dahil sa technolohiya naparami mo ito sa pamamagitan ng pagcopya rito. Sa P50.00 x 10 nakakuha ka na ng P250 na tubo mula doon sa isang cd na binili mo. Sa medaling salita, ang ibinebenta mo ay peke at hindi galling sa mismong gumawa, nagbigay ng intellectual na idea. Ito’y kinopya mo lang at wala kang karapatan ibenta at mag profit dito.

Sa pananaliksik at paghahanap-hanap sa internet. Napadaan ang mananaliksik sa madaming website kung saan pwede ka mag-download ng mga pelikula ng libre at walang bayad. Matapos ko itong Makita namangha ako sapagkat ang quality at pagkagawa ay parang orihinal. Ang mga nakita kong website ay ang mga sumusunod: http://www.mininova.org/ , http://isohunt.com/ , http://thepiratebay.org/ at marami pang iba. Sa mga website na ito, ang inyong ma-dadownload ay tinatawag na mga torrents. Bago ninyo ma-download yung mismong pelikula kailangan niyo muna mag-install ng software na tinatawag na bittorrent o utorrent. Pagkatapos ninyong i-download ang pelikula pwede ninyo itong isalin sa CD at ibenta. Ganito ka-dali magpirata ng mga pelikula. Basta’t marunong sa computer madaming maaaring gawin.

Iba't-ibang klase ng medium na maaring paglagyan ng mga na-download na pelikula mula sa Internet. Maari itong isalin sa VCD (Video Compact Disc), DVD (Digital Versatile Disc o Digital Video Disc) at Blueray DVD. Ang quality ng VCD ay maihahambing sa isang VHS tape, ang DVD naman ay mas malinaw at mas digitized kaysa sa VCD sa dahilang ang VCD ay meron lamang 800MB na capacidad samantalang ang DVD ay nasa pagitan ng 4.7gb pataas. Sa madaling salita, masasabing limang beses na mas malinaw, mas digitized at maayos ang DVD kaysa sa VCD. Sa kabilang dako naman,. ang Blueray ay may capacidad na 25GB-50GB kaya naman masasabing limang beses ang ginanda nito kaysa sa DVD at mahigit Sampung beses kaysa sa VCD.



Sa pamamagitan ng mga Software na ito nalilipat ang mga Media na na-download mula sa internet papunta sa medium CD.

Sa kabilang dako, mayroon din naman mga website akong nakita na pinapayagan ang mga user na manood ng mga pelikula ng streaming (streaming ibig sabihin habang dinadownload pwede mo nang panoorin agad. Isang popular na halimbawa ay www.youtube.com) gaya ng http://tvshack.net/ , http://www.free-tv-video-online.info/ , http://thepiratecity.org/ , http://www.surfthechannel.com/ , http://www.watch-movies-links.net/ , at marami pang iba.

Sino ang tumatangkilik ng mga pirated movies na ito? Ayon sa libro ni, Bin Gu, Vijay Mahajan ng Unibersidad ng Texas na pinamagatang “The Benefits of Piracy – A Competitive Perspective” Ang attracted daw sa mga pirated na mga gamit ay yung mga taong “price sensitive” o “nagaalangan sa pera/matipid”. Iyan ang isa sa mga nakakakuha ng benepisyo sa piracy. Ang isa pang inilahad sa libro ay ang pagiging “wake-up call” nito sa mga producers upang babaan ang presyo ng mga binebenta nila. Kung baga ang sinasabi ng salitang piracy ay “ibaba ninyo ang presyo para hindi na kami bumili ng pirated”. Kung titingnan kasi natin ang range ng pirated P350.00 sa original P50.00 napakalaki talaga ng diperensiya. Sabi nga ni C.Douglas ng Vancouver, Canada “Bakit ako bibili ng mahal kung meron naman mura na eksakto lang nung mahal na produkto? Imbis na 1 lang ang mabibili ko, kapag sa pirated ako nagpunta eh di mga 7 ang maiuuwi ko.” Sino ba naman ang tatanggi dun?

Ngunit, may negatibo din itong epekto sa industriya. Sabi nga ng Optical Media Board (OMB) Chairman na si Mr. Edu Manzano “Ako, I'd be the first to say, never babalik ang ating industriya to what it was before” Ang tinutukoy niya dito ay ang kita ng Industriya ng pelikula. Pero hindi man daw maibalik, masasabi niyang mas maganda na ang kalidad ng mga lumalabas na pelikula sa ngayon kumpara sa mga dating pelikula. Aniya, "Tingnan mo naman ang quality ng mga lumalabas ngayon, mas maganda ang quality, ang laki ng diperensya." (Author: Nerisa Almo, http://telebisyon.net/balita/Edu-Manzano-discusses-the-status-of-piracy-in-the-country/artikulo/2581/)

Ayon sa International Intellectual Property Alliance (IIPA) na patuloy na sumusubaybay sa piracy rate ng Pilipinas US$11 to US$12 billion bawat taon ang nalulugi ng Amerika dahil sa pagpipirata ng Pilipinas.

Ang isa pang disadvantage ng pagbili ng Pirated na sine ay ang 75% quality loss ng pelikula. Lalo na kapag bago pa ang pelikula at ito ay binebenta na sa mga tindahan. Mayroon kasing isa pang paraan para magpirata ng mga pelikula at yun ay ang pagkukuha ng video habang pinapanood ang pelikula sa sinehan. Ang ginagamit naman na medium ay camcorder. Pagkatapos kakalat ito sa pamamagitan ng internet sa dahilang may mag popost nito upang maging bukas sa lahat ng may gustong makakita.

B. Datos at Resulta





III. Konklusyon at Rekomendasyon

A. Konklusyon

Base sa datos na nakalap halos lahat ng pilipino ay mahilig manood ng mga pelikulang gawa ng mga kano. Lahat din ay tumatangkilik na ng Pirated na mga pelikula. Mahigit walongpu't posiyento ang naniniwala na pagnanakaw ang ginagawa nilang pagtangkilik sa pirated na mga pelikula ngunit patuloy parin nila itong tinatangkilik dahil sa kahirapan.

Ipinapakita din ng surbey na karamihan ng mga tumatangkilik sa pekeng mga DVD ay ang mga gitnang class na mga mamamayan. Sapagkat ang mga mahihirap ay malimit lamang na bumili ng mga pang-aliw na mga gamit mas iniintindi nila ang kanilang kakainin araw-araw kaysa sa bumili ng mga pelikula. Samantalang ang mga mayayaman naman ay ang binibili ay mga orihinal dahil ito ay may social status na ibinibigay sakanila.

Napaka laki ng impluwensya ng internet sa Piracy. Ito din ang nagbibigay ng daan para lalong lumaganap ang suliranin na ito sa buong mundo. Habang patuloy sa pagiging maluwag ang internet aabusuhin ito ng aabusuhin ng mga tao at ang resulta ay ang pagbagsak ng mga nasabing industriya. Dadating ang panahon na babagsak ang industriya at hindi na tayo magkakaroon ng magagandang pelikulang pwedeng panoorin. Sabi nga ng isang document na galling sa gobyerno “hindi lahat ng bansa na tumatangkilik lang ng original ay naghihirap” Gaya ng America puro sila original ngunit hindi naman sila naghihirap. Nasa tao lang yan kung papaano niya babalansehin ang kanyang budget.

( http://portal.doh.gov.ph/chd10/piracy.pdf)

B. Recomendasyon

Dapat magtulong-tulong ang mga may kapangyarihan upang sugpuin ang problemang ito. Mas higpitan ang security sa internet at pigilan ang mga nag-popost ng mga bagay na hindi dapat i-post. Ang isa pa sa mainam na gawin ay babaan ang presyo ng mga original na pelikula at gawing reasonable ang presyo. Nararapat lamang na ang tao ay makisama din at tangkilikin na ang original.


Sanggunian:

(Author: Nerisa Almo, http://telebisyon.net/balita/Edu-Manzano-discusses-the-status-of-piracy-in-the-country/artikulo/2581/)

(http://www.iipa.com/aboutiipa.html)


(http://www.papt.org.ph/)

(http://en.wikipedia.org/wiki/Copyright_infringement)

(http://www.mpaa.org/)

( http://portal.doh.gov.ph/chd10/piracy.pdf)

(http://www.yugatech.com/blog/the-internet/pilipinas-anti-piracy-team-warns-downloaders/)

The inquirer newspaper 02/17/2009 By Alexander Villafania

1-B The Manila Bulletin October 16, 2005


Mga Dapat Pasalamatan:

1) Ang mga taong naging bahagi ng surbey na naganap sa internet at sa mga personal na vendors na makikita sa recto, greenhills, quiapo, at metrowalk.

2) Sa pamilya at sa mga kaibigang ng mananaliksik na sumuporta sa pananaliksik na ito.

3) Sa nagimbento ng internet, sapagkat ito ang isa sa mga naging daan upang makumpleto at mas maging effective ang pananaliksik na ito. October 16 October 16

1 comment:

lektyur nowt said...

Can we use it for our thesis in Filipino 2? We don't have any time, so, kaylangan nalang po namin ng copy paste. Please email me at lektyunowt@gmail.com as soon as possible, kung pwede po. Thank you. =D